Pagbaba sa Alert Level 1 pinaghahandaan na ng Coast Guard; Maritime-related activities inaasahang tataas
Pinaghahandaan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtaas ng Maritime-related activities dahil pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila at marami pang mga lugar sa bansa.
Inatasan na ni PCG Officer-In-Charge, CG Vice Admiral Eduardo D. Fabricante ang lahat ng Coast Guard units para maghanda sa sa pagtaas ng maritime-related activities.
Ayon kay Fabricante dapat nakahanda ang lahat ng personnel at assets para sa maritime safety at maritime security-related functions.
Sinabi ng opisyal na magtatalaga din ng dagdag na K9 units, medical teams, at deployable response groups sa mga pantalan, upang itaas ang Coast Guard visibility.
Ipakakalat din ang Harbor patrollers at vessel inspectors para tumulong sa pagpapatupad ng maritime security at maritime safety measures.
Pinatitiyak din ng Fabricante na mayroong sapat na bilang ng lifeguards, rescue equipment, at first aid facilities 24/7 lalo na sa mga tourist destinations. (DDC)