Medical frontliners, public servants pinapanatiling buhay ang legasiya ng EDSA People Power ayon kay Pangulong Duterte

Medical frontliners, public servants pinapanatiling buhay ang legasiya ng EDSA People Power ayon kay Pangulong Duterte

Sa paggunita ng ika-36 na Anibersaryo ng EDSA People Power sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga medical frontliners, public servants, at community volunteers ang nagpapanatiling buhay sa legasiya ng nasabing aktibidad.

Sa kaniyang mensahe hiniyakat ng pangulo ang publiko na bigyang pagkilala at pasalamatan ang mga taong nagpapanatili na buhay ang legasiya ng EDSA People Power.

Kabilang aniya dito ang mga public servant na tapat at nagbibigay ng epektibong serbisyo sa publiko.

At ang mga medical at essential frontliners ngayong hinaharap ng bansa ang pandemya ng COVID-19.

Dapat din ayon kay Duterte na ang paggunita sa People Power Revolution ay magsilbing paalala na sa pamamagitan ng unity, cooperation, at faith ay hindi imposibleng makamit ang ang anumang makabubuti para sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *