181 na Pinoy sa Ukraine na-locate na ng DFA
Mayroon 181 na Pinoy sa Ukraine ang na-locate na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng nagpapatuloy na tensyon doon.
Ayon kay DFA Usec. Sarah Lou Arriola, accounted for na ang 181 Filipinos at nakipag-ugnayan na sila sa embahada.
Mayroong 37 Pinoy ang nagbiyahe na patungong Lviv at mula doon ay ihahanda ang repatriation sa kanila
Apela ni Arriola sa mga Pinoy sa Ukraine, makipag-ugnayan sa Philippine Embassy at sa honorary consulate para sila ay maasistihan sa repatriation. (DDC)