DOH nakapagtala ng 1,745 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 1,745 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Feb. 24 ay 3,657,342 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,546,098 ang gumaling o katumbas ng 97 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,045 na gumaling.
Bumaba naman na sa 55,079 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.5 percent.
Umabot naman na sa 56,165 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.54 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 188 pang pumanaw. (DDC)