Lahat ng presidential candidates dadalo sa Comelec debate

Lahat ng presidential candidates dadalo sa Comelec debate

Dadalo ang lahat ng presidential candidates sa debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nagpahayag ng kompirmasyon ang lahat ng presidential aspirant kabilang si dating Senador Bongbong Marcos.

Maliban kay Marcos ay dadalo din ang iba pang kandidato kabilang sina:

– dating presidential spokesperson Ernesto Abella
-labor leader Leody de Guzman
-Manila Mayor Isko Moreno
-former Defense Secretary Norberto Gonzales
-Senator Panfilo Lacson
-Faisal Mangondato
-Jose Montemayor Jr.
-Sen. Manny Pacquiao
-VP Leni Robredo

Hindi pa naman inilalabas ng Comelec ang kumpletong detalye hinggil sa debate.

Ayon kay Jimenez, kung matutuloy ang pagdalo ng lahat, ito ang magiging kauna-unahang debate na dadalo ang lahat ng kandidato sa pagka-pangulo.(DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *