Booster shots sa mga edad 12 hanggang 17 hindi pa inirerekomenda
Hindi pa inirerekomenda ng gobyerno ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga batang edad12 hanggang 17.
Ayon kasi sa Vaccine Expert Panel (VEP), wala pang pag-aaral hinggil sa pagbibigay ng booster shot sa nasabing age group.
Pero ayon kay VEP chief Dr. Nina Gloriani, may mga bansa nang pinag-aaralan ang pagbibigay ng booster shots sa mga edad 12 hanggang 17.
Paliwanag ni Gloriani, hihintayin lamang ng pamahalaan ang pag-aaral sa ibang mga bansa na magsasagawa ng booster shots sa nasabing age group.
Dahil kababakuna pa lamang naman sa mga edad 12 hanggang 17 dito sa bansa, sinabi ni Gloriani na sila ay protektado pa.
Mas matagal din aniya ang proteksyon ng mga bata dahil mas malakas ang kanilang immunity. (DDC)