PNP naghahanda na sa pagbaba ng Alert Level status sa Metro Manila

PNP naghahanda na sa pagbaba ng Alert Level status sa Metro Manila

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng COVID-19 Alert Level status sa Metro Manila.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Metro Mayors sa IATF na ibaba sa Alert Level 1 na lamang ang NCR bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, sa ilalim ng Alert Level 1 mas marami na ang mapapayagang makalabas dahil wala nang ipatutupad na age restriction sa mga public places at interzonal travels.

Sa nakalipas na mga linggo sinabi ni Carlos na mas nakikitaan naman na ng disiplina ang publiko.

Aniya kailangang itaas ang police visibility sa sandaling magsimila na ang pag-iral ng Alert Level 1 para magpaalala sa publiko na sundin ang health protocol. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *