Positivity rate sa NCR bumaba pa sa 4 percent
Bumaba pa sa 4 percent na lang ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos mula sa OCTA Research, nananatiling nasa low risk ang NCR na nakapagtala lamang ng mahigit 200 bagong kaso ng COVID-19 kahapon, Feb. 22.
Patuloy din ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa iba pang highly urbanized cities sa buong bansa.
Ang Angeles City at Lucena City ay kapwa nasa very low risk na.
Maliban sa NCR, ang Bacolod, Butuan, Cebu City, Cotabato City, Dagupan, Lapu Lapu, Mandaue, Olongapo, Ormoc, Santiago, at Tacloban ay nasa low risk na rin.
Habang nasa moderate risk naman ang iba pang HUCs sa bansa. (DDC)