Pagsusuot ng face shields sa kampanya at sa pagboto hindi na mandatory – Comelec
Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shields sa in-person campaigning at sa mismong araw ng pagboto para sa May 2022 elections.
Sa new normal manual ng Commission on Elections nakasaad na voluntary na lang ang pagsusuot ng face shields sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Levels 1, 2 at 3.
Papayagan din ang door-to-door campaigning, pero dapat limitado lang sa lima ang kasama ng bawat kandidato.
Sa mismong araw ng eleksyon, magde-deploy ang Comelec ng mga marshal para magpatupad ng minimum health protocols. (DDC)