Packaging ng imported frozen beef at pork na dumating sa Hong Kong, infected ng COVID-19

Packaging ng imported frozen beef at pork na dumating sa Hong Kong, infected ng COVID-19

Nakitaan ng Hong Kong authorities COVID-19 infection ang mga package ng imported frozen beef at pork.

Ang mga inangkat na frozen beef ay galing Brazil habang galing naman sa Poland ang mga frozen pork.

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Hong Kong ay naghigpit ang health authorities doon sa inspeksyon sa mga imported na pagkain.

Kumuha ng 36 na samples ang Centre for Food Safety sa 1,100 cartons ng frozen beefs na inangkat sa Brazil at isang outer packaging at dalawang inner packaging ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa 12 samples naman mula sa 300 cartons ng frozen pork skin galing Poland ay isang inner packaging ang nagpositibo.

Noong Lunes ay umabot sa 7,533 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *