Ondoy at Yolanda noon, Odette ngayon: Gaano katatag ang PH sa mga bagyo at kalamidad?

Ondoy at Yolanda noon, Odette ngayon: Gaano katatag ang PH sa mga bagyo at kalamidad?

Dahil sa paghagupit ng bagyong Odette sa Palawan, Visayas at Mindanao bago matapos ang taong 2021, maraming ari-arian ang matinding naapektuhan.

Marami ring bayan ang nawalan ng mahahalagang serbisyo gaya ng kuryente, tubig, at komunikasyon.

Kaya naman lubhang mahalagang malaman kung gaano na nga ba kahanda ang Pilipinas, partikular ang mga komunidad, kapag may dumating na sakuna.

Ito ang tinalakay ng mga eksperto sa nakaraang Liveable Cities Lab webinar na may temang “Road to Resilience: Preparing Our Communities for Natural Disasters.”

Ang Liveable Cities Lab ay isang proyekto na pinangungunahan ng iba’t ibang sektor ng lipunan kasama ang malalaking kumpanya gaya ng Globe. Layunin nito na maging “liveable” ang bawat lungsod sa bansa para sa sabay-sabay na pag-unlad ng ekonomiya ng bawat bayan sa Pilipinas.

Ayon kay Rofil Sheldon Magto, Globe Communications Manager sa Visayas at Mindanao, patuloy ang investment ng kumpanya sa mas matitibay na mga imprastruktura para masiguro ang maaasahang connectivity kahit may malalakas na bagyo at iba pang krisis.

Patuloy ring naka-agapay ang mga programa na nagbibigay ng karagdagang kagamitan tulad ng Cell site On wheels (COW), Tower on Wheels (TOW), Genset on Truck (GOAT), Mobile Communications Command Center, mga satellite phones, at radio communications ng Globe para masiguro ang komunikasyon kapag may sakuna.

“Naniniwala ang Globe sa kapangyarihan ng pagtutulungan. Maliban sa aktibo naming kampanya ukol sa disaster preparedness gamit ang social media, SMS advisories at mga cellular broadcasts, mahalaga pa rin ang sama-samang pagtutulungan para maihatid ang serbisyong kailangan ng mga Pilipino lalong-lalo na tuwing may kalamidad,” ani Magto.

Ganito rin ang pahayag nina Anton Perdices, SVP at COO ng Aboitiz Power Corporation, na siyang may-ari ng Visayan Electric; Ronald Padua, VP at Head ng Water Supply Operations ng Maynilad; at Veronica Gabaldon, Executive Director ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF).

Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat miyembro ng komunidad, mapa-pribado man o gobyerno, para makamit ang minimithing “resilience” or tibay ng mga serbisyong ito sa panahon ng mga kalamidad.

Sa kabilang banda, sinisimulan na ng Aboitiz ang pag-aaral sa posibilidad ng underground power distribution sa mas maraming lugar tulad ng Cebu at Davao, para maiwasan ang mas malaking pinsala kung tamaan ng malakas na bagyo.

Apektado rin ng kawalan ng kuryente ang pagbibigay ng malinis na tubig sa mga bayan. Kaya sinabi ni Padua na kailangan ding humanap at bumuo pa ng alternatibong paraan gaya ng paghahanda ng mga generator sets at paglalagay ng mga solar panels sa kanilang sistema.

Iminungkahi naman ni Gabaldon ang paglalagay ng mga emergency asset gaya ng generator set at emergency communications, at pagbabantay sa mga kritikal na imprastruktura tulad ng kuryente, tubig, at telekomunikasyon para matiyak na ang mga ito ay magagamit sa oras ng pangangailangan.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular na ang UN SDG No. 9 ukol sa Industry, Innovation and Infrastructure, UN SDG No. 11 ukol sa Sustainable Cities and Communities, at SDG No. 13, ukol sa kahalagahan ng agarang aksyon laban sa climate change para makasagip ng mas maraming buhay at hanapbuhay.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bumisita sa http://www.globe.com.ph. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *