DOH nakapagtala ng 1,019 na bagong kaso ng COVID-19; pinakamababa ngayong taon
Nakapagtala ng 1,019 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Feb. 22 ay 3,654,284 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,541,840 ang gumaling o katumbas ng 96.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,988 na gumaling.
Bumaba naman na sa 56,668 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.6 percent.
Umabot naman na sa 55,776 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.53 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 13 pang pumanaw. (DDC)