Swine repopulation sa Northern Samar paiigtingin

Swine repopulation sa Northern Samar paiigtingin

Plano ng apat na bayan sa Northern Samar na makibahagi sa malawakang Swine Repopulation Program upang makabangon ang local hog industry na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Ayon sa provincial government, ang apat na bayan ay kinabibilangan ng Catarman, Lope de Vega, Mondragon, at Pambujan.

Sinabi ni Northern Samar Provincial Veterinarian Jose Luis AcompaƱado na 15 magsasaka mula sa mga nabanggit na bayan ang bibigyan ng tig-tatlong biik at feeds.

Ang kabuuang halaga ng programa sa bawat barangay ay 750,000 Pesos.

Ilang komunidad na rin ang idineklara bilang ASF-certified free areas at may mahigpit na biosecurity measures.

Gayunman, may presensya pa rin ng ASF sa mga bayan ng Bobon, Las Navas, Silvino Lubos, Catubig, at Laoang.

Ang Lope de Vega ang kauna-unahang bayan sa Northern Samar na kinumpirmang may kaso ng ASF noong March 2021. (LSR)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *