Positivity rate sa NCR mas mababa na sa 5 percent
Mas mababa na sa 5 percent ang positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, 4.9 percent na lang ang positivity rate sa NCR na mas mababa sa WHO recommended level na 5 percent.
Ngayon lamang ulit bumaba sa ganitong datos ang positivity rate sa NCR simula noong Dec. 26, 2021 o bago ang wave ng Omicron.
Nananatiling nasa low risk level ang NCR gayundin ang mga kalapit nitong lalawigan sa Calabarzon na Batangas, Cavite, laguna at Rizal.
Habang ang lalawigan ng Quezon ay nasa very low risk classification na. (DDC)