Magnitude 4.3 na lindol naitala sa Davao Del Sur
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 7 kilometers Southwest ng bayan ng Kiblawan, 6:44 ng umaga ng Martes (Feb. 22).
May lalim na 13 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV:
– Kiblawan, Hagonoy, Digos City, Sulop, Matanao, at Padada, Davao del Sur
– Malungon, Sarangani
Intensity III:
– Magsaysay, Santa Cruz, at Bansalan, Davao del Sur
– Lutayan, Sultan Kudarat
– Kidapawan City at Makilala, Cotabato
– Tupi, South Cotabato
Intensity II:
– Davao City, Davao del Sur
– Kabacan, M’lang, Magpet, Tulunan at Matalam, Cotabato
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)