Multi-role response vessel ng Coast Guard nagsimula nang maglayag patungong Pilipinas galing Japan
Naglalayag na patungong Pilipinas ang kauna-unahang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG).
Nakaalis na sa Shimonoseki Shipyard sa Japan ang nasabing barko.
Ayon sa Coast Guard ang mga PCG crew na lulan ng MRRV-9701 ay tatalima sa guidelines ng Inter Agency Task Force pagdating ng bansa.
Matapos ang kanilang quarantine ay saka magsasagwa ng arrival honors para sa pinakamalaking magiging Coast Guard asset sa vicinity waters ng Manila Bay.
Ang naturang barko ay tatawaging “BRP TERESA MAGBANUA”. (DDC)