Chopper ng PNP bumagsak sa Quezon
Nag-crash sa Real, Quezon ang Airbus H125 single-engine light utility helicopter ng Philippine National Police (PNP).
Ang Philippine National Police Air Unit single engine light utility helicopter na may tail number RP-9710 ay umalis sa Manila International Airport (RPLL) 6:00 ng umaga.
Iniulat na nawawala ang nasabing chopper 6:18 ng umaga ng Lunes, Feb. 21.
Ilang beses sinubukang radyohan ang helicopter pero hindi ito ma-contact.
Agad idineploy ang Philippine Coast Guard (PCG) Airbus H145 para magsagawa ng rescue operation.
Natagpuan ito sa Barangay Pandan sa bayan ng Real ng rescue team ng PNP, LGU, at Bureau of Fire Protection dakong 8:05 ng umaga.
Isa sa mga sakay ng chopper ang nasawi habang dalawa ang dinala sa ospital.
Ayon sa PNP, grounded na ang entire fleet ng kanilang H125 Airbus Police helicopters habang nagsasagwa ng imbestigasyon sa nangyari. (DDC)