Replica ng battle cannon ilalagay sa Manila Baywalk
Maglalagay ng replica ng battle cannon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Department of National Defense (DND) sa Manila Baywalk sa Roxas Blvd. sa Maynila.
Ito ay bilang pag-alala sa maga naging sakripisyo at tagumpay ng “Battle for Manila Bay” rehabilitation program.
Ayon sa DENR ilalagay ang replica ng Fort Drum Island cannon sa lugar para magsilbing paalala sa pagsisikap ng ahensya na linisin ang Manila Bay.
Ang Fort Drum Island na kilala din bilang El Fraile Island ay isa sa apat na isla sa Manila Bay na nagsilbing line of defense at naging proteksyon ng Maynila mula sa naval invasion ng Spanish colonial noong World War II.
“This landmark shall depict the three battles in Manila Bay—the Spanish-American War, Japanese-American War, and now, the modern Battle for Manila Bay,” ayon kay dating DENR Sec. Roy Cimatu.
Ang sukat ng cannon replica 19.04 cubic meters, ang original barrel ay 37 feet at may bigat na weighs 10 tons.
Target ng DENR at DND na mapasinayaan ang cannon replica sa April 9, 2022, Araw ng Kagitingan. (DDC)