Mga OFW sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19 tinutulungan na ng POLO

Mga OFW sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19 tinutulungan na ng POLO

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na tinutulungan na ng pamahalaan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, naglaan ang Philippine Overseas Labor Office (Polo) sa Hong Kong (HK) ng makakain para sa 28 OFWs.

Binigyan din sila ng hygiene kits, at power banks para mayroon silang magamit na komunikasyon habang naghihintay sila ng tawag mula sa Center for Health Protection at special administrative region’s labor department.

Gumagawa na rin ng paraan ang POLO para madala sa isolation facility ang mga apektadong OFW sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa non-government organization.

Ang mga naka-recover na sa COVID-19 ay binigyan din ng POLO ng US$200 bilang after care financial assistance.

Habang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang magbibigay ngh US$200 sa bawat COVID-positive OFW. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *