Dagdag na red tape sa gobyerno ibinabala dahil sa bagong requirement sa pagre-renew ng driver’s license

Dagdag na red tape sa gobyerno ibinabala dahil sa bagong requirement sa pagre-renew ng driver’s license

Ikinabahala ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate ang paglala ng red tape sa bansa dahil sa panibagong requirement na hinihingi sa mga mag-re-renew ng kanilang driver’s license.

Nagdagdag kasi ng isa pang requirement ang Land Transportation Office (LTO) para sa mandatory completion ng comprehensive driver’s education sa mga private driving schools bago makapag-renew ng lisensya.

Ayon kay Zarate ang hakbang na ito ng LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at maging ang Department of Transportation (DOTr) ay dagdag na pagpapahirap na ginagawa sa mga drivers.

Wala rin anyang kapangyarihan ang LTO at DOTr na maghirang ng ganitong hakbang sa mga private entities.

Tinawag pa ng kongresista na “money making scheme” lamang ang pagpapakuha muli ng driver’s education sa mga pribadong driving schools na aniya’y dapat nang matigil sa lalong madaling panahon. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *