Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 115 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, 5:13 ng umaga ng Lunes, Feb. 21.
May lalim na 69 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa General Santos City.
Bago ito, tuama na ang magnitude 4.1 na lindol sa bayan din ng Jose Abad Santos alas 4:31 ng madaling araw. (DDC)