Mga dadalo sa Oscars kailangang magpakita ng negatibong RT PCR test at proof of vaccination
Kailangang magpakita ng proof of vaccination ang mga dadalo sa 94th Oscars.
Sa naging pasya ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, kailangan ding magpresenta ng dalawang negatibong RT PCR tests ang mga dadalo sa awards night.
Ang mga performers at presenters naman ay kailangan lamang sumailalim sa RT PCR test pero hindi na hahanapan ng proof of vaccination.
Ang mga nominado at kanilang guests na ipupwesto sa orchestra at parterre areas ng Dolby Theater sa Los Angeles ay hindi na ire-require na magsuot ng face mask.
Habang ang mga nakapuwesto sa mezzanine ay kailangan pa ring magsuot ng face mask.
Isasagawa ang Oscars sa March 27. (DDC)