Vaccination Drive isasagawa Antipolo at Recto Station ng LRT-2

Vaccination Drive isasagawa Antipolo at Recto Station ng LRT-2

Magsasagawa ng vaccination drive ang Light Rail Transit Administration (LRTA) para sa mga pasahero ng LRT-2.

Katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Maynila at Antipolo, isasagawa ang pagbabakuna asimula sa February 22, 2022.

Ayon kay LRTA Administrator Jeremy Regino, ang mga pasaherona sasakay ng tren ay maaring magpabakuna muna sa Recto station at sa Antipoo station.

Ang schedule sa Recto station ay tuwing Martes at Huwebes 8AM to 5PM habang sa Antipolo station ay tuwing Miyerkules at Biyernes 8:30AM to 4PM.

Kailangan lamang mag-rehistro sa manilacovid19vaccine.ph para sa mga magpapabakuna sa Recto station at sa antipolobantaycovid.appcase.net para sa mga magpapabakuna sa Antipolo station.

Magugunitang kamakailan inanunsyo ni DOTr Secretary Art Tugade na gagamitin ang mga railway stations bilang vaccination sites para makatulong na mapabilis ang vaccination campaign ng pamahalaan.

Nagpasalamat naman si Regino kina Manila Mayor Isko Moreno at Antipolo Mayor Andrea Ynares sa suporta nito sa hiling na tulong ng LRTA para sa nasabing programa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *