Mahigit 329,000 na mga batang edad 5 hanggang 11 nabakunahan kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 329,000 ang bilag ng mga batang edad 5 hanggang 11 ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong 482 na vaccination sites na ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa pediatric vaccination.
Ayon kay Health Sec. Maria Rosario Vergeire, ang pagbabakuna sa mga bata ay nakatulong ng malaki upang bumaba sa low risk ang classification ng bansa.
Kumpleto na kasi aniya ang proteksyon ng pamilya kung bakunado ang magulang at mga bata.
Inaasahan ng DOH na mas maraming magulang pa ang magpapasyang ipa-rehistro ang kanilang mga anak para sa pagbabakuna. (DDC)