Mahigit 3 milyong katao na ang nabakunahan sa Bayanihan Bakunahan 3
Umabot sa mahigit tatlong milyon ang naiturok na bakuna sa idinaos na ikatlong bugso ng Bayanihan Bakunahan ng pamahalaan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 3,055,035 ang total jabs administered sa ikinasang National Vaccination days.
Sa nasabing bilang, 664,462 ang nabigyan ng first dose at mayroong 1,234,840 ang nabigyan ng second dose.
Mayroon ding 187,575 ang tumanggap ng single-shot doses.
Habang 968,158 ang nabigyan ng booster shots.
Hanggang ngayong araw, Feb. 18 ang pagdaraos ng Bayanihan Bakunahan 3.
Una nang sinabi ng DOH na malabong makamit ang target na 5 milyong katao na mababakunahan sa nasabing programa. (DDC)