Positivity rate sa NCR 6 percent na lang; lahat ng lalawigan sa Calabarzon nasa low risk na – OCTA Research
Pawang low risk na ang classification ng lahat ng lalawigan sa Calabarzon.
Kabilang dito ang Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.
Ayon sa OCTA Research, nasa pagitan ng 4 percent to 8 percent ang positivity rate sa nasabing mga lalawigan.
Sa National Capital Region naman, bumaba na sa 6 percent na lang ang positivity rate.
Nasa 3.45 percent ang average daily attack rate o ADAR sa Metro Manila. Habang mababa pa rin sa 26 percent ang healthcare utilization rate. (DDC)