Fourth dose ng COVID-19 vaccine walang dagdag na tulong para malabanan ang Omicron variant
Walang dagdag na tulong laban sa Omicron variant ang pagpapaturok ng fourth dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na ng mga eksperto ang efficacy ng fourth COVID-19 dose o second booster shot na ginawa sa ibang mga bansa gaya na lamang ng Israel.
Base sa inisyal na pag-aaral, walang dagdag na tulong panlaban sa Omicron ang ikaapat na dose.
Naghihintay pa ang mga eksperto sa bansa ng dagdag na mga pag-aaral hinggil dito.
Sa ngayon sinabi ni Vergeire na nakatutok ang pamahalaan sa pagbibigay ng primary vaccine series lalo pa at marami pa ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19. (DDC)