DOH nakapagtala ng 2,196 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 2,196 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Feb. 17 ay 3,646,793 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,524,875 ang gumaling o katumbas ng 96.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,409 na gumaling.
Bumaba naman na sa 66,588 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.8 percent.
Umabot naman na sa 55,330 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.52 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 107 pang pumanaw. (DDC)