12-day interval sa pagitan ng first at second dose ng Pfizer para sa mga 5 to 11 years old paiiralin pa rin sa bansa
Ipagpapatuloy ng pilipinas ang pagpapatupad ng 21-day interval sa pagitan ng first at second dose ng reformulated Pfizer vaccine para sa mga batang lima hanggang labing isang taong gulang.
Sa kabila ito ng bagong datos mula sa World Health Organization na nagsasabing ang second dose ay dapat iturok apat hanggang walong linggo pagkatapos ng first dose.
Sinabi ni Dr. Nina Gloriani, chairman ng Vaccine Expert Panel, na kailangan pa nilang aralin ang datos na nagsasaad na kapag ibinigay ang second dose makalipas ang walong linggo ay mas maganda ang immune response.
Sa ngayon aniya kasi ay wala pa sa kanila ang naturang data.
Inihayag din ni Gloriani sa online forum ng Department of Health na ayon sa WHO, ang mas mahabang interval ng doses ay iniuugnay sa mas mataas na vaccine effectiveness at maaring mas mababa ang risk sa myocarditis o pamamaga ng heart muscle o pericarditis.
Gayunman, ipatutupad aniya ang status quo hangga’t hindi pa nare-review ng vaccine expert panel ang naturang pag-aaral.
Idinagdag pa ni Gloriani na sinusunod ng Pilipinas ang mas maiksing interval sa pagitan ng dalawang doses upang mabalanse ang epekto ng Omicron variant ng COVID-19. (Infinite Radio Calbayog)