Senado magkakasa ng imbestigasyon sa napaulat na pagkawala ng mga sabungero

Senado magkakasa ng imbestigasyon sa napaulat na pagkawala ng mga sabungero

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa napaulat na sunud-sunod na pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, maituturing na urgent ang usapin at maaring magsagawa ng motu propio investigation ang komite.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) umabot na sa 26 na katao ang napaulat na nawawala matapos silang manggaling sa sabungan.

Una nang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nakababahala ang pagkawala ng mga sabungero at dapat malaman ang puno’t dulo nito.

Maliban sa komite ni Dela Rosa sinabi ni Lacson na maari ding magkasa ng imbestigasyon sa isyu ang Committee on Games and Amusement. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *