Mga pari nagsagawa ng ‘Penitential Walk’ sa Maynila
Nagsimula na ang ‘penitential walk’ ng mga pari mula sa Archdiocese of Manila.
Layunin ng aktibidad na ipagdasal ang mga botante para sa darating na eleksyon sa buwan ng Mayo.
Mula sa sa bahagi ng Manila Cathedral sa Intramuros ay dumaan ang mga pari sa GomBurZa Memorial Marker sa Luneta Park at saka dumiretso sa Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita.
Bago ang ‘penitential walk’ isang misa muna ang idinaos sa Manila Cathedral na pinamunuan ni Cardinal Jose Advincula.
Ang aktibidad ay pag-alala din sa 150th anniversary ng martyrdom ng tatlong pari na sina Mariano Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora. (DDC)