38 cold chain transportation vehicles galing South Korea dumating sa bansa

38 cold chain transportation vehicles galing South Korea dumating sa bansa

Tumanggap ang Pilipinas ng 38 cold chain transportation vehicles mula sa South Korean Government bilang suporta sa cold chain management ng COVID-19 vaccines ng bansa.

Ang handover ceremony para sa 34 na refrigerated trucks at 4 na service vans, ay dinaluhan nina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at South Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul.

Ayon sa South Korean Embassy, ang mga sasakyan ay mayroong cold-storage system at ide-deploy sa iba’t ibang rehiyon sa pamamagitan ng Department of Health-Centers for Health Development.

Nakapagbigay na ang South Korea ng kabuuang 10.6 Billion Pesos na halaga ng assistance sa COVID-19 response ng Pilipinas, kabilang ang 200 million Pesos na budget support, at mahigit 500,000 doses ng Astrazeneca vaccines.

Tiniyak din ng embehada na patuloy na susuportahan ng South Korea ang Pilipinas sa mga hakbangin upang matugunan at makabangon ang bansa mula sa pandemya. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *