Korte Suprema nakapagdaos na muli ng in-person En Banc deliberations

Korte Suprema nakapagdaos na muli ng in-person En Banc deliberations

Muling nakapagsagawa ng in person En Banc deliberations ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang kauna jnahang in person deliberations ng Supreme Court En Banc mula nang maitalaga sa pwesto si Chief Justice Alexander G. Gesmundo noong April 2021.

Maliban kay Gesmundo, dumalo sa En Banc deliberations ang sumusunod na mahistrado ng SC:

Justice Jose Midas P. Marquez
Justice Jhosep Y. Lopez
Justice Samuel H. Gaerlan
Justice Rodil V. Zalameda
Justice Amy C. Lazaro-Javier
Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa
Senior Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe
Justice Marvic M.V.F. Leonen
Justice Ramon Paul L. Hernando
Justice Henri Jean Paul B. Inting
Justice Mario V. Lopez
Justice Ricardo R. Rosario
Justice Japar B. Dimaampao

Ayon sa SC isinagawa ang en banc sa loob ng Session Hall dahil mas malaki ito kumpara sa En Banc conference room at mas maipapatupad ang physical distancing.

Magugunitang dahil sa pandemya ng COVID-19 ay matagal nang idinadaos ang En Banc sessions sa pamamagitan ng Zoom meetings. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *