Black Ants na idineklarang Lego Toys nakumpiska ng Customs
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of NAIA ang tatlong kargamento na naglalaman ng garmful black ants.
Ang mga kargamento ay idineklarang naglalaman ng “Lego Toys”, pero nang suriin ng Customs ay natuklasan ang 396 specimen tubes ng black ants.
Ang importation at exportation ng non-native black ants ay ipinagbabawal dahil delikado ito sa kalusugan at sa kalikasan.
Sa pg-aaral na ginawa sa China ang mga non-native black ants ay carrier ng virus, bacteria at iba pang sakit.
Ang 3 export parcels na idineklarang “Lego Kid’s Toy” ay dadalhin dapat sa France, Singapore at Italy at isang nagngangalang “Shin Yap” ang nagpadala nito.
Ang mga nakumpiskang black ants ay nai-turn over na sa DENR at isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 11 at 27 ng RA 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”, at Section 117 in relation to Section 1113 (f) ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)