DILG iuutos ang crackdown laban sa mga nagbebenta ng pekeng gamot

DILG iuutos ang crackdown laban sa mga nagbebenta ng pekeng gamot

Ipag-uutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglulunsad ng crackdown laban sa mga nagbebenta ng pekeng gamot.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, magpapalabas ng memorandum ang DILG na mag-aatas sa mga local government unit (LGU) na maglunsad ng kampanya laban sa pagbebenta ng pekeng gamot.

Kasamang ipabubusisi ng DILG ang mga sari-sari stores.

Ito ay kasunod ng ulat ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroong 78 sari-sari stores ang natuklasang ilegal na nagbebenta ng gamot.

Sa nasabing bilang 13 sari-sari stores ang nadisukbreng nagbebenta ng pekeng gamot. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *