319 na mga lugar sa bansa nakasailalim sa granular lockdown
Mayroong pang 319 na mga lugar mula sa 153 na mga barangay sa buong bansa ang nakasailalim sa granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), kabuuang 355 households na katumbas ng 499 na indibidwal ang apektado ng lockdown.
Ang Region 1 ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga barangay ang apektado ng granular lockdown na umabot sa 66
Kasunod ang CAR na mayroong 50 barangay at ikatlo ang NCR na mayroong 21 barangay.
Mayroon ding mga barangay na nagpapairal ng granular lockdown sa Region II, Region IV-B at sa Region IX. (DDC)