Publiko pinag-iingat sa pagbili ng gamot sa mga Sari-Sari stores
Umabot sa 185 na Sari-Sari stores sa iba’t ibang panig ng bansa ang natuklasang nagbebenta ng gamot kahit hindi sila lisensyadong drug stores.
Ito ay makaraang magkasa ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa pagbebenta ng pekeng mga gamot.
Ayon sa FDA, 78 Sari-Sari stores ang natuklasang nagbebenta ng mga gamot na labag sa Pharmacy Law, habang 13 naman ang natuklasang nagbebenta ng pekeng gamot na karamihan ay gamot sa COVID-19.
Kaugnay nito naglunsad na ang FDA ng portal kung saan nakalista ang mga lisensyadong drug stores.
Sinabi ng FDA na mayroong 44,989 drug stores sa bansa ang nabigyan ng license to operate eng FDA. (DDC)