80 percent on-site capacity ipatutupad sa Court of Appeals simula bukas Feb. 16
Naglatag ng work arrangement sa Court of Appeals (CA) na ipatutupad simula bukas Feb. 16 sa ilalim ng patuloy na pag-iral ng Alert Level 2 sa Metro Manila.
Sa nilagdaang kautusan ni CA Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando, physically open ang CA mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.
Mag-ooperate ang korte ng 80 percent on-site capacity.
Sasailalim sa antigen testing ang mga empleyado ng korte.
Tanging ang mga mayroong official court business ang papayagan sa court premises.
Kabilang dito ang pagde-deliver ng supplies, service maintenance sa mga gamit ng korte, construction, at iba pa.
Ang mga papasok sa CA ay dapat mayroong proof of vaccination. (DDC)