Black propaganda gamit ang SMS pinaiimbestigahan ni Sen. Sotto sa NTC
Hiniling ni Senate President Tito Sotto sa National Telecommunications Commission (NTC) na imbestigahan ang pagpapakalat ng black propaganda sa pamamagitan ng text messages.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Sotto na ang grupong nasa likod ng text scams ay nagagawang ma-access ang mobile phone numbers ng mga indbidwal na pinadadalhan nila ng mensahe.
Nakapagtataka ayon kay Sotto kung paanong nakukuha ang cellphone numbers.
Dapat alamin ayon kay Sotto kung mayroong kasabwat ang mga grupong nasa likod ng text scam.
Apela ni Sotto sa NTC, gamitin ang regulatory power nito sa mga telco at atasan na ipahinto ang paggamit ng text messaging bilang instrumento sa pagpapalaganap ng disinformation. (DDC)