Daily cases ng COVID-19 bababa sa 2,100 pagsapit ng buwan ng Marso

Daily cases ng COVID-19 bababa sa 2,100 pagsapit ng buwan ng Marso

Inaasahang mas mababa na sa 2,100 ang bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso.

Base ito sa projection ng Department of Health (DOH).

Pero ayon sa DOH, kung hindi susundin ang minimum public health standards, maaring bumalik ulit sa pataas ang trend ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa DOH, pagsapit ng katapusan ng Pebrero maaring nasa 2,422 na lamang ang average daily cases ng COVID-19.

Bababa ito sa 2,077 average daily cases pagsapit ng March 15.

Apela ng DOH sa publiko patuloy na sundin ang health protocols at magpabakuna na kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *