DOH nakapagtala ng 2,730 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 2,730 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Feb. 14 ay 3,639,942 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,508,239 ang gumaling o katumbas ng 96.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,456 na gumaling.
Bumaba naman na sa 76,609 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 2.1 percent.
Umabot naman na sa 55,094 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 164 pang pumanaw. (DDC)