Kampo ni VP Robredo humingi ng paumanhin sa naging pagdagsa ng publiko sa idinaos na “Pink Sunday” sa QC

Kampo ni VP Robredo humingi ng paumanhin sa naging pagdagsa ng publiko sa idinaos na “Pink Sunday” sa QC

Inako ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang buong responsibilidad sa naging pagdagsa ng mga tao sa idinaos na “Pink Sunday” sa Quezon City Memorial Circle.

Naglabas ng pahayag ang tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez matapos magpaalala ang Quezon City Government hinggil sa pagsunod sa minimum health standards sa mga idinadaos na campaign rally sa lungsod.

Ayon kay Guiterrez naging hamon sa mga organizer ang pagdagsa ng mga tao kaya humihingi sila ng paumanhin sa nangyari.

Bagaman pinaalalahanan ang mga ito na dalhin ang kanilang vaccination cards at sundin ang health protocols.

Tiniyak ni Gutierrez na gagawa sila ng mga hakbang upang makasunod sa lahat ng regulasyon lalo na sa mga susunod pang kampanya na idaraos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *