QC LGU nagpaalala sa mga kandidato na sumunod sa minimum health standards sa pagsasagawa ng campaign rallies

QC LGU nagpaalala sa mga kandidato na sumunod sa minimum health standards sa pagsasagawa ng campaign rallies

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga kandidato na tiyaking nakasusunod sa pinaiiral na minimum health standards sa isinasagawang campaign rally.

Paalala ito ng QC LGU kasunod ng pormal na pagsisimula ng campaign period para sa mga kandidato sa national level.

Marami sa mga kandidato ang napili ang ilang mga lugar sa Quezon City para maging main venue ng kanilang pagtitipon.

Ayon sa inilabas na pahayag ng QC LGU, sa isinagawang “Pink Sunday” ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, hindi napigilan ng mga organizer ang labis na pagdagsa ng mga tao.

Dahil dito ayon sa QC Government, nalabah na ang ilang restrictions na nakasaad at napagkasunduan sa permit na ibinigay sa kanila.

Umaasa ang QC LGU na hindi na muling mauulit ang kaparehong insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *