COVID-19 bilang ‘endemic’ pinaghahandaan na ng DOH
Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang ‘new normal’ sa gitna ng nararanasan pa ring pandemya ng COVID-19
Ayon sa Department of Health (DOH), unti-unti ay magkakaroon na ng transition sa ‘new normal’ at darating ang panahon na ituturing nang ‘endemic’ ang COVID-19 gaya na lamang ng TB, dengue, tigdas at iba pa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung maituturing nang ‘endemic’ ang COVID-19, wala nang ipatutupad na lockdowns.
Maari ding hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask.
Hindi naman ito nangangahulugan ayon kay Vergeire na hindi na delikado ang COVID-19 dahil maari pa ring magkaroon ng disruptive waves o outbreak. (DDC)