Bayanihan Bakunahan III pinalawig hanggang Feb. 18
Pinalawig hanggang February 18, 2022 ang rollout ng Bayanihan Bakunahan III.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay para mabigyang pagkakataon ang mas nakararami na makapagbakuna kontra COVID-19.
Hinikayat ng DOH ang mga eligible na samantalahin ang pinahabang National Vaccination Days at magtungo na sa vaccination sites sa kanilang lugar para makapagpabakuna.
Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na target mabakunahan ang 15 million na katao sa ikatlong yugto ng Bayanihan Bakunahan. (DDC)