NCR posibleng bumaba na sa ‘very low risk’ classification sa susunod na buwan
Inaasahan ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research, sa susunod na buwan ng Marso ay maaring bumaba na sa ‘very low risk’ ang NCR.
Batay sa datos simula noong Feb. 8 ay umaabot na lang sa 600 ang average na bagong kaso ng COVID-19 sa NCR.
Posible ayon sa OCTA Research na sa buwan ng Marso ay nasa 140 new cases per day na lang ang maitatala sa Metro Manila.
Samantala, sa Central Luzon, nasa low risk na lamang din ang Bulacan.
Habang nasa moderate risk pa din ang Aurora, Bataan Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales. (DDC)