Apat na bagong training aircraft galling US dumating na sa bansa
Tinanggap ng Pilipinas ang apat na bagong training aircraft mula sa Estados Unidos, bilang bahagi ng planong pagpapalakas sa Maritime Security capabilities ng bansa.
Ang 2.2 million dollars na halaga ng Cessna 172s Skyhawk Training Aircraft, na na-acquire sa pamamagitan ng US Foreign Military Financing Program, ay gagamitin ng Philippine Navy Naval Air Wing.
Sa kanyang talumpati sa turnover ceremony sa Sangley Point sa Vavite, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaking improvement sa kapabilidad ng Navy ang air assets, partikular sa pagbabantay at pangangalaga sa maritime territories at domain ng bansa.
Kabilang sa mga dumalo sa seremonya si Chargé d’Affaires Heather Variava ng US Embassy, AFP Chief of Staff General Andres Centino at Navy Chief Vice Admiral Adelius Bordado. (Infinite Radio Calbayog)