Mga empleyadong sasamahan ang kanilang anak para magpabakuna hindi dapat ituring na ‘absent’ ayon sa DOLE
Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa pribadong sektor na huwag markahan ng absent ang mga empleyadong sinamahan ang kanilang mga anak na nagpabakuna sa ilalim ng Bayanihan, Bakunahan III.
Sa advisory na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ng ahensya na kailangan lamang magprisinta ang empleyado ng proof of vaccination ng kanilang mga anak.
Maari ring payagan ang mga empleyado na gamitin ang kanilang available leave credits para ma-cover ang kanilang absences sa panahon ng vaccination drive, depende sa polisiya ng kumpanya.
Ang Bayanihan Bakunahan III ay sinimulan noong Huwebes. (Infinite Radio Calbayog)