Kerwin Espinosa tinanggal na sa WPP ng DOJ
Binawi na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ni Kerwin Espinosa.
Nilagdaan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang notice of termination at ipinadala kay Espinosa.
Nakasaad sa notice na ito ay base sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ng DOJ na may mga nagawang paglabag si Espinosa habang nasa detention facility ng NBI kabilang ang pangha-harrass sa mga kapwa preso, pagkakasangkot sa smuggling activities, pag-inom ng alak, pangingikil sa mga kapwa preso, paglabag sa curfew hours, at iba pa.
Kasama din sa dahilan ng pag-terminate ng WPP coverage ni Espinosa ay ang tangka nitong pagtakasa sa pasilidad na nadisukbre noong Jan. 13.
Naipagbigay-alam na din ng DOJ sa NBI ang termination ng WPP coverage ni Espinosa. (DDC)