Validity ng registration para sa mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa number 2 pinalawig ng LTO
Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa numero 2.
Ayon sa abiso ng LTO, extended hanggang March 31, 2022 ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 2.
Ayon sa LTO, hindi sisingilin ng surcharge at penalty ang mga may-ari ng sasakyan.
Sinabi ng LTO na konsiderasyon ito sa patuloy na umiiral na community quarantine sa bansa. (DDC)